Monday, February 16, 2009

SANA ANG "THE PAST" PASTA NA LANG SHET!!!

umaga na... dumilat ako... habang nakahimlay... tumingin ako sa salamin blangko... puting espasyo ng kwarto ko ang nakatambad sa akin.

may pasok ako ngayong lunes nagmamadali ako na magbihis.... kahit alam ko tinatamad ako pero dati hindi naman ako ganito katamad... alam ko nakakain na ako...

bago ako lumabas ng bahay dinidiligan ko muna ang mga halaman sa bahay napansin ko ang kalahiti sa mga dahon ng halaman bulok... alam ko dinidiligan ko naman to madalas...

papasok na ako sa trabaho... at ng papasok na ako sa pintuan ng ospital sabay huminto ang pampasaherong jeep... at may bumaba... sya nga...

gusto ko sanang lapitan sya at makwento.... makwento yung mga nagbago sa bahay ngayon pero tumingin lang sya sakin kaya medyo nailang ako at di nakipagusap...

pero habang sabay kami pumasok sa pinto di ko maiwasan tumngin sa kanya... bago pa ako magsalita sinabi na nya "good morning..." "good morning din"...

No comments: